CANORECO Balita

π‰π”π‹π˜ πŸπŸŽπŸπŸ‘ ππˆπ‹π‹πˆππ† 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐒, ππ”πŒπ€ππ€

Bumaba ang billing rates na babayaran para sa July 2023 billing. Ang residential rate ay Php10.8588 per kWh na lamang kumpara sa Php12.7139 per kWh noong nakaraang June 2023 billing. Ang low voltage rate ay Php9.9053 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php8.6069 per kWh. Nagkaroon ng pagbaba na Php1.8551 per kWh bilang resulta ng mga sumusunod:
Bumaba ang Generation System Charge ng Php1.4455 per kWh bilang resulta ng mas mababang Blended Generation Rate dahil sa mas mababang Fuel Cost na binayaran sa ating Power Supplier na Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng June 2023. Bumaba ito ng Php0.6344 per kWh mula Php5.4271 per kWh hanggang Php4.7927 per kWh. Bukod pa rito, bumaba rin ang average rate sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng Php2.6501 per kWh dahil ang average na demand sa merkado ay bumaba ng 3-5% sa pagsisimula ng tag-ulan.
Gayundin, nakapababa rin sa charge na ito ang pagpapatupad ng ERC Resolution No. 14, Series of 2022 kung saan ang mga distribution utilities, tulad ng CANORECO, ay magsasaayos ng mga presyo/pass-through na mga singil nito simula sa susunod na billing period kung sa anumang punto ang naipong over at under-recoveries ay lumampas sa 10% ng kabuuang non-network revenues para sa naunang tatlong (3) billing period.
Para sa panahon na sumasaklaw sa January 2023 hanggang May 2023, ang CANORECO ay may naipon na over-recovery na nagkakahalaga ng Sixty-Six Million One Hundred Twenty-Seven Thousand Five Hundred Twenty-One Pesos and Twenty-Two Centavos (Php66,127,521.22) na may katumbas na porsyento na 11.77% na lumampas sa 10% na threshold.
Bilang pagsunod sa Article 5 ng nabanggit na ERC Resolution, obligado ang CANORECO na ipatupad ang refund o collect scheme ng kabuuang net over-recoveries na nagkakahalaga ng Sixty-Six Million One Hundred Twenty-Seven Thousand Five Hundred Twenty-One Pesos at Twenty-Two Centavo (Php66,127,521.22) sa July 2023 billing.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Bumaba rin ang Transmission System Charge ng Php0.1809 per kWh dahil sa pag-refund ng naipon na over-recovery noong May 2023 sa Transmission.
Bumaba rin ang System Loss Charge ng Php0.1780 per kWh dahil sa pagbaba sa Generation at Transmission Charges at sa pag-refund ng naipon na over-recovery noong May 2023 sa System Loss sa Mainland.
Bumaba rin ang Lifeline Subsidy Charge ng Php0.0036 per kWh dahil sa pag-refund ng naipon na over-recovery noong May 2023 sa Lifeline Subsidy.
Bumaba rin ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.0954 per kWh.
Suspendido pa rin pansamantala ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff (FIT-All Charge) na Php0.0364 per kWh dahil sa ERC Resolution No. 12, Series of 2022 na nagsimula noong December 2022 billing hanggang February 2023 billing at ipinagpapatuloy mula March 2023 billing hanggang August 2023 billing base sa pinakabagong ERC Notice of Resolution noong February 22, 2023.
Sa kabilang banda, tumaas naman ang Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) ng Php0.0433 per kWh dahil sa ERC Notice of Resolution noong March 22, 2023 na sumasaklaw sa 2013 at 2014 True-Up Adjustments na nagsimula noong May 2023 billing at magtatapos sa April 2024 billing.
Tumaas din ang Generation System Charge ng Php0.8827 per kWh at ang System Loss Charge ng Php0.2086 per kWh para sa Small Power Utilities Group (SPUG) – Calaguas dahil sa naipon na under-recovery noong May 2023.
Sa pagbaba ng billing rate na babayaran sa August 2023 para sa mga konsumo sa kuryente ng July 2023, mababawasan ng Php185.51 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; ng Php371.02 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at ng Php556.53 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa July 2023 billing rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php6.1229 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php0.4477 per kWh; sa System Loss Charge ay Php0.7532 per kWh; sa Government Charges ay Php1.4841 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php0.4400 per kWh; at sa DSM Charges ay Php1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering (DSM) Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon. Ang halagang ito ay hindi nagbago mula pa taong 2010.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng iyan ay dumadaan sa Energy Regulatory Commission (ERC) bago ipatupad ng electric cooperatives. Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Karamihan sa mga component ng billing ay pass-on charges lamang. Buwan-buwan nagbabayad ang CANORECO sa TLI at WESM para sa suplay ng kuryente, at sa NGCP para naman sa pagpapadaloy ng suplay ng kuryente mula sa mga planta ng kuryente papunta sa mga substation ng kooperatiba. At dahil collecting agent ng National Government ang mga electric cooperative, ilang pass-on charges din ang buwan-buwan inire-remit ng kooperatiba sa government corporations/agencies gaya ng National Transmission Corporation (TRANSCO), National Power Corporation (NAPOCOR/NPC), Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph