CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE BUMABA NGAYONG AGOSTO 2019

Bumaba ang singil sa kuryente ngayong Agosto 2019 billing na babayaran sa Setyembre 2019. Ang sanhi ng pagbaba ay ang mababang Generation Charge partikular sa mababang presyo ng biniling kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Naging dahilan din ang pagbaba ng System Loss Charge na isa sa mga components ng taripa sa kuryente na binabayaran ng mga konsumidores. Ang System Loss ay bahagi ng kabuuang enerhiyang binili ng CANORECO na dapat ay rumihistro bilang konsumo subalit napupunta sa technical at non-technical losses at pandaraya o pagnanakaw.

 Ang rate sa residential para sa buwan ng Agosto ay umabot ng P 9.8023 per kwh  kumpara noong nakaraang buwan ng HulyoHunyo na P 10.4229 per kwh kung kaya sa kabuuan ay bumaba ang rate ng 62 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.8487 per kwh para sa buwan ng Agosto kumpara sa P 9.4693 per kwh noong buwan ng Hulyo o bumaba rin ng 62 centavos per kwh.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.