Ang nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Agosto 26, 2019, Lunes, simulang 4:04 ng madaling araw hanggang 4:05 ng hapon, na naranasan sa buong bayan ng Sta. Elena at Brgy. Villa Belen, Villa Aurora at San Antonio sa bayan ng Capalonga ay sanhi ng nabangaang poste (pole # 760) ng truck sa P-2, Bulala, Sta. Elena.
Samantala, ang dahilan naman ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Agosto 28, 2019, Miyerkules simulang 12:00 ng madaling araw hanggang 5:30 ng hapon sa Brgy. Plaridel at ilang bahagi ng Brgy. Caayunan sa bayan ng Basud; at Brgy. Manlimonsito at Salvacion sa bayan ng San Lorenzo Ruiz ay dahil sa humapay na poste at naputol na mga kawad ng kuryente sanhi ng natumbang puno ng Narra sa may crossing 17, Brgy. Plaridel, Basud.
Agad namang inaksyunan ng maintenance team ng CANORECO ang mga nasabing problema.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 2 Office sa cellphone nos. 09951305414 at AREA 1 Office 09212116180 at 09560525608.

