Pinagtutulungan ng CANORECO at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Camarines Norte Provincial Operations Office at Municipal Operations Offices ang implementasyon ng Lifeline Rate Discount ng Republic Act No. 11552.
Nagkaroon ng pagpupulong ang CANORECO at sina DSWD 4Ps Provincial Operations Office OIC-Provincial Link Sheena Tad-o, RSW at Provincial Monitoring and Evaluation Officer Gilbert Alfuerte noong June 21, 2023 sa opisina ng kooperatiba upang pag-usapan ang implementasyon ng Lifeline Rate Discount sa lalawigan ng Camarines Norte. Napagkasunduan dito ang pagdalo ng CANORECO sa 4Ps Parent Leaders’ (PLs) Meeting na isinasagawa buwan-buwan kada bayan o barangay o kumpol ng mga barangay. Ito ay upang personal na maiparating ng kooperatiba sa mga pinuno ng mga grupo ng 4Ps ang mga impormasyon tungkol sa nasabing discount.
Sunod namang nakipagpulong ang CANORECO sa mga DSWD 4Ps Municipal Operations Office (MOO) OICs ng mga bayan ng Camarines Norte noong July 4, 2023 sa Munisipyo ng Daet sa imbitasyon ni OIC Tad-o. Ito ay upang matalakay na sa mga MOO OICs ang mga tatalakayin ng kooperatiba sa mga dadaluhang PLs Meeting. Nagtakda na rin ng iskedyul ng mga madadaluhang PLs meeting ngayong Hulyo. Namigay na rin ng mga Lifeline Rate Discount Leaflets at Application Forms.
Ang mga nadaluhang PLs Meeting ng kooperatiba ay ang mga sumusunod:
1. Jose Panganiban 4Ps Parent Leaders Meeting noong July 5, 2023 sa JOMAPA Convention Center, Jose Panganiban kasama si DSWD 4Ps MOO OIC Ronnie Namia;
2. Basud 4Ps Parent Leaders Meeting noong July 6, 2023 sa Basud Municipal Library kasama si DSWD 4Ps MOO OIC Michael Paterno;
3. San Lorenzo Ruiz 4Ps Parent Leaders Meeting noong July 7, 2023 sa Barangay Mampurog Senior Citizen Hall, San Lorenzo Ruiz kasama si DSWD 4Ps MOO OIC Nicole Mae Nicol;
4. Poblacion Mercedes 4Ps Parent Leaders Meeting noong July 11, 2023 sa Conference Room, Mayor’s Office, LGU Mercedes kasama si DSWD 4Ps MOO OIC Christal Margarette Mapa;
5. Coastal Mercedes 4Ps Parent Leaders Meeting noong July 11, 2023 sa Pambuhan Barangay Hall, Mercedes;
6. Poblacion Labo 4Ps Parent Leaders Meeting noong July 12, 2023 sa Malasugui Barangay Covered Court, Labo kasama si DSWD 4Ps MOO OIC Noreen Villagracia;
7. San Vicente 4Ps Parent Leaders Meeting noong July 12, 2023 sa Pantawid Office, Barangay Kanluran, San Vicente kasama si DSWD 4Ps MOO OIC Josie Vargas; at
8. Southroad Labo 4Ps Parent Leaders meeting noong July 14 2023 sa Malatap Barangay Covered Court, Labo kasama si DSWD 4Ps MOO OIC Amy Mendoza.
Para naman sa mga bayan ng Daet, Talisay, Vinzons, Paracale, Capalonga at Sta. Elena, susubukan ng kooperatiba na makadalo sa kanilang PLs Meeting sa susunod na buwan.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na
www.canoreco.com.ph