Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na CANORECO at sa Official Website na www.canoreco.com.ph.
Ang naranasang Emergency Power Service Interruption sa lalawigan ng Camarines Norte maliban sa ilang barangay ng mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban noong July 17, 2023 (Lunes) mula 2:45 ng hapon ay dahil sa pagkaputol ng overhead guy wire sa pagitan ng ST#216-217 sa Brgy. Exciban, Labo. Tumama ang naputol na overhead guy wire sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) 69kV Lines kaya nag-auto trip ang NGCP Labo-Talisay 69kV Lines. Ang linyang ito ang nagta-transmit ng kuryente papunta sa Malatap, Talobatib, Calintaan at Lag-on Substations ng CANORECO. Ang mga nasabing substations ang nagdi-distribute ng kuryente sa mga bayan ng Mercedes, Basud, San Lorenzo Ruiz, Daet, San Vicente, Talisay, Vinzons, Labo, Sta. Elena at Capalonga; at ilang barangay sa mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban.
Naihiwalay at naibalik ang serbisyo ng kuryente 3:16 ng hapon sa mga nabanggit na bayan/barangay maliban sa mga bayan ng Capalonga at Sta. Elena at ilang barangay ng mga bayan ng Labo at Jose Panganiban na napailawan namang muli 5:07 ng hapon.

