Ang naranasang Emergency Power Service Interruption sa mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban noong October 20, 2020 (Martes) simulang 10:47 ng gabi ay dahil sa natumbang puno ng niyog na tumama sa 3-phase 69kV line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Natagpuan ang nasabing puno sa pagitan ng pole #049 at pole #050 sa Sitio Nico, Brgy. Dalnac, Paracale. Dahil sa naranasang malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Depression โPepitoโ, nagkaroon ng pagguho ng lupa sa nabanggit na lugar kung kayaโt natumba ang naturang puno.
Agad itong pinutol ng CANORECO Technical Team at pansamantalang tinalian ang napatid nitong overhead guy wire (OHGW). Itinakdang ayusin ang nasabing pansamantalang remedyo sa naka-schedule na power service interruption sa October 24, 2020.
Matapos isara ang Tawig at ang NGCP disconnect switches, naibalik ang kuryente sa NGCP 69kV line bandang 7:30 kinaumagahan, October 21, 2020 (Miyerkules).
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Technical Services Department (TSD) sa mga numerong 09081865100 at 571-3796..

