Matagumpay na naisagawa ang Special District Election sa CANORECO District XI na sumasaklaw sa bayan ng Vinzons nitong ika-26 ng Hulyo 2025 (Sabado). Nagbukas ang mga presinto para sa pagboto ng 8:00 ng umaga at nagsara ang mga ito ng 3:00 ng hapon.
Bumoto ang mga Member-Consumer-Owner sa mga sumusunod na presinto: Vinzons Pilot Elementary School (Poblacion, Mangcayo), Calangcawan Sur Elementary School (Calangcawan Sur), Guinacutan Elementary School (Guinacutan), Gorgonio Obusan Elementary School (Napilihan), Matango Elementary School (Matango, Manlucugan, Aguit-it), El Triño Elementary School (Sula, Sabang, Cagbalogo), Santo Domingo Elementary School (Santo Domingo), Singi Elementary School (Singi), Calangcawan Norte Elementary School (Calangcawan Norte), at Banocboc Elementary School (Mangcawayan, Banocboc, Pinagtigasan).
Sa dalawang kwalipikadong kandidato, nakakuha si Mr. Augorio “Augor” Mago Guinto ng 1,620 na boto samantalang si Mr. Reynante Dela Punta Villagarcia ay nakakuha naman ng 475 na boto. Sa kabuuan, 2,095 na MCO ang bumoto sa bayan ng Vinzons. Sa pagkapanalo ni Director-elect Augorio “Augor” Mago Guinto, magsisilbing Director o Representative siya sa CANORECO ng mga MCO ng District XI – Vinzons hanggang sa susunod na Regular District election sa taong 2026. Siya ay manunumpa bilang isang ganap na CANORECO Director para sa bayan ng Vinzons sa darating na 42nd Annual General Membership Assemby ng Kooperatiba na gaganapin sa August 31, 2025 (Linggo).
Ang nasabing election ay pinangasiwaan nila District Election Committee (DECOM) Chairman Emelda A. Acuesta (PSDS – Vinzons), DECOM Secretary Cleah R. Jane (Teacher III), DECOM 3rd Member Ma. Theresa C. Oco (MCO Municipal Chairman ng Vinzons), at DECOM Alternate Member Avelina M. Chuajap (MCO Municipal Vice Chairman ng Vinzons). Nasa 28 na Teachers ng Vinzons, kasama ang mga kawani ng kooperatiba, ang naging bahagi naman ng Precinct Election Committee (PECOM) sa bawat voting precinct sa bayan ng Vinzons.
Nagpapasalamat ang CANORECO sa Department of Education – Division of Camarines Norte sa patuloy na pagsuporta sa mga District Election na isinasagawa ng kooperatiba, at sa mga MCO na tumupad sa kanilang obligasyon at karapatang bumoto ng kanilang representante sa CANORECO.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph

