CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE BUMABA NGAYONG HULYO 2018

Bumaba ang singil sa kuryente ngayong Hulyo 2018 billing na babayaran sa Agosto 2018. Ang sanhi ng pagbaba ay dahilan sa mababang Transmission Charge, System Loss at Value Added TaxΒ  o VAT.

Ang rate sa residential para sa buwan ng Hulyo ay umabot ng P 9.9251 per kwhΒ  kumpara noong nakaraang buwan ng HunyoHunyo na umabot ng P 9.9478 per kwh kung kaya sa kabuuan ay bumaba ang rate ng 2 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.9715 per kwh para sa buwan ng Hulyo kumpara sa P 8.9937 per kwh noong buwan ng Hunyo o bumaba ng 2 centavos per kwh din.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.