CANORECO Balita

ELECTRIC COOPERATIVES EMERGENCY AND RESILIENCY FUND (ECERF)

Noong Hunyo 29, 2018 ay pinirmahan na ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act No. 11039 o ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund Act na ang may akda ay si 1-CARE Representative Carlos Roman L. Uybareta.

Ang layunin ng nasabing batas ay makatulong sa pagpapanumbalik at rehabilitasyon ng mga Electric Cooperatives kung sila ay napinsala ng bagyo o kalamidad. Ayon dito, Php 750 milyong pondo na galing sa National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC ay ilalaan sa implementasyon ng programang ito.

Naatasan naman ang National Electrification Administration o NEA na makipag-ugnayan sa NDRRMC para sa mga patakaran sa pagpapatupad ng batas.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Institutional Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.