Tumaas ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa October 2023 billing. Ang residential rate ngayon ay Php 10.8039 per kWh, kumpara sa Php 10.2493 per kWh noong nakaraang September 2023 billing. Ang low voltage rate ay Php 10.3348 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php 8.9264 per kWh. Ang pagtaas na ito ng Php 0.5546 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
Tumaas ang Transmission System Charge ng Php0.0883 per kWh na babayaran sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa pagbaba ng demand sa Luzon Grid. Tumaas din ang System Loss Charge ng Php0.0595 per kWh dahil sa pagtaas ng Transmission System Charge. Pumasok ang Lifeline Subsidy Charge na Php0.0001 per kWh. At tumaas ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.0277 per kWh bilang resulta ng pagtaas sa Transmission System at System Loss Charges.
Bumaba naman ng Php0.0270 per kWh ang Generation System Charge dahil sa mas mababang blended generation rate dulot ng pagbaba ng average rate sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Suspendido pa rin ang pagkolekta ng Metering Charge na Php 0.4326 per kWh bilang pagsunod sa E.R.C. Resolution No. 07, Series of 2023 hanggang sa makakuha ang CANORECO ng Certificate of Authority na mag-operate at mag-maintain ng Meter Shop.
Gayundin, suspendido pa rin ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.0364 per kWh alinsunod sa ERC Resolution No. 11, Series of 2023 na nagpalawig ng pansamantalang pagsuspinde sa pagkolekta ng FIT-All Charge mula September 2023 hanggang sa ipahinto ito ng ERC.
Sa kabilang banda, tumaas naman ang Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) ng Php 0.0694 per kWh na siyang kabuuan ng Php 0.0433 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution noong March 22, 2023 na sumasaklaw sa 2013 at 2014 True-Up Adjustments na nagsimula noong May 2023 billing at magtatapos sa April 2024 billing.
Sa pagtaas ng billing rate na babayaran sa November 2023 para sa mga konsumo sa kuryente noong October 2023, madadagdagan ng Php55.46 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; ng Php110.92 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at ng Php 166.38 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa October 2023 billing rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 6.4096 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 0.5578 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.8131 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.4177 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4274 per kWh; at sa DS(M) Charges ay Php 1.1783 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/(Metering) Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng iyan ay dumadaan sa Energy Regulatory Commission (ERC) bago ipatupad ng electric cooperatives. Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Karamihan sa mga component ng billing ay pass-on charges lamang. Buwan-buwan nagbabayad ang CANORECO sa TLI at WESM para sa suplay ng kuryente, at sa NGCP para naman sa pagpapadaloy ng suplay ng kuryente mula sa mga planta ng kuryente papunta sa mga substation ng kooperatiba. At dahil collecting agent ng National Government ang mga electric cooperative, ilang pass-on charges din ang buwan-buwan inire-remit ng kooperatiba sa government corporations/agencies gaya ng National Transmission Corporation (TRANSCO), National Power Corporation (NAPOCOR/NPC), Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph