Ipinapabatid ng pamunuan ng CANORECO sa mga miyembro-konsumidores nito na ang mga hindi pa nababayarang March at April 2020 electric bills o iyong mga hindi ipinasok sa pamamaraang staggered payment ay automatic nang hahatiin sa apat (4) at isasama sa June, July, August at September 2020 electric bills.
Ang pagbabayad ng installments na ito ay magsisimula sa billing month na June 2020 na sisimulang i-reading ng mga Meter Readers sa June 27, 2020.
Ang direktibang ito ay base na rin sa Advisory ng Energy Regulatory Commission (ERC) noong April 15, 2020 na nagsasabing ang mga electric bill noong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay maaaring hatiin sa four (4) equal monthly installments at bayaran sa loob ng four (4) succeeding billing months kasunod ng pagtatapos ng ECQ.
Muling inulit ang direktibang ito sa sumunod na Advisory ng ERC noong May 5, 2020 para sa mga Distribution Utility (DU), gaya ng CANORECO, na nag-ooperate sa mga lugar na isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ).
Inaasahang sa pamamaraang ito ay makakabayad paunti-unti ang mga miyembro-konsumidores ng kanilang mga electric bill na hindi pa nila nababayaran dahil sa kawalan ng trabaho o kakulangan sa kita dahil sa COVID-19 pandemic.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Finance Services Department (FSD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.

