CANORECO Balita

CEREMONIAL ENERGIZATION NG BRGY. VILLA AURORA, CAPALONGA IDINAOS

Isinagawa ang Energization ng P-1 hanggang P-6, Villa Aurora, Capalonga noong Pebrero 4, 2020 (Martes). Ito ay isa sa mga proyekto ng National Electrification Administration (NEA) sa ilalim ng kanilang Sitio Electrification Program (SEP) partikular ang extension of lines at libreng housewiring installation. Animnapu’t lima (65) na kabahayan ang nabiyayaan ng nasabing proyekto. Ang bawat isang beneficiary ay nabigyan ng libreng tatlumpung metros na service drop, isang saksakan, dalawang ilaw o bombilya at kuntador.

Ginanap ang nasabing okasyon sa Brgy. Villa Aurora covered court na dinaluhan nina Capalonga District Director Allan B. Ojas, mga opisyales ng Barangay Villa Aurora sa pangunguna ni Kapitan Antonio Obina at mga kawani ng CANORECO sa pangunguna ni G. Manuelito Bartolome, Area 2 Engineering Division Chief.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09560525608 at landline number 054-5713717.