CANORECO Balita

CALAGUAS ISLAND NABIYAYAAN NG GENERATOR SETS

Nabiyayaan ng dalawang ( 2 ) Generator Set ang Calaguas Island ng National Power Corporation o NPC. Ang unang generator set na may 80-kilowatt capacity ay dinala sa nasabing lugar noong December 1, 2017 samantalang ang pangalawang generator set ay ibibigay sa mga susunod na buwan. Ang nasabing generator sets ang magsusuplay ng kuryente sa mga barangay sa Calaguas island gaya ng Brgy. Banokbok, Pinagtigasan, at Mangkawayan sa bayan ng Vinzons.

Ang NPC ang naatasang magbigay ng power generation facilities sa mga isla na hindi konektado sa main grid na tinatawag na Small Power Utilities Group o SPUG.

Samantala, ang pondo na ginamit sa pagtatayo ng linya na dadaluyan ng kuryenteay nanggaling sa subsidiya mula sa National Electrification Administration o NEA na parte ng Barangay Line Enhancement Program nito. Ang line construction ay natapos nppng November 2017 at isusunod ang electrical installation sa mga kabahayan. Pagkatapos mapailawan ang Calaguas, ang CANORECO pa rin ang mamamahala sa operasyon nito partikular sa billing at maintenance ng linya.

Para sa kaugnay na impormasyon, makipag-ugnayan sa Technical Services Department sa Daet  main office o tumawag sa teleponong 571-3717 at cellphone nos. 09212116180 at 09177646763.