Bumaba ang singil sa kuryente ngayong Enero 2018 billing na babayaran sa Pebrero 2018. Ang sanhi ng pagbaba ay dahilan sa mababang presyo ng biniling kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.
Bumababa ang presyo sa panahon na sapat ang suplay at mababa ang demand o pangangailangan dahil sa malamig na panahon.
Ang rate sa residential para sa buwan ng Enero ay umabot ng P 8.9893 per kwh kumpara noong nakaraang buwan ng Disyembre na umabot ng P 9.0524 per kwh kung kaya sa kabuuan ay bumaba ang rate ng 6.31 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.0357 per kwh para sa buwan ng Enero kumpara sa P 8.0988 per kwhnoong buwan ng Disyembre o bumaba din ng 6.31 centavos per kwh.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09177646763.

