Magkakaroon ng paripa ang CANORECO ngayong darating na November at December 2020 para sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs) nito.
Layon ng aktibidad na ito na (1) mapalakas ang koleksyon ng Coop, (2) maisali at mabigyang-diin ang papel ng mga MCO sa pagkamit ng mga layunin ng Coop, (3) maitanim ang kamalayan ng pagbabayad sa mga MCO, at (4) makapagbigay ng mga insentibo sa mga responsableng MCO na nagbabayad ng kanilang mga bayarin sa kuryente sa tamang oras.
MECHANICS
1. Magsisimula ang raffle sa November 27, 2020 at magtatagal hanggang December 30, 2020 para sa lahat ng member-consumer na walang arrears sa kuryente.
2. Bibigyan ng isang (1) Raffle Stub kada isang account ang mga member-consumer na walang arrears na kanilang ihuhulog sa mga itatalagang drop boxes sa CANORECO Main Office, Area Offices, Service Centers at Accredited Bayad Centers hanggang November 23, 2020 para sa raffle ng November 27, 2020 at hanggang December 23, 2020 naman para sa raffle ng December 30, 2020. Sa mga member-consumer na sa Accredited Bayad Centers nagbabayad, magsisilbing Raffle Stub nila ang kopya ng kanilang Acknowledgement Receipt.
3. Susulatan ng mga member-consumer ng kanilang complete name, address, cellphone number at account number, at pipirmahan ang Raffle Stub. Kung hindi nakapangalan sa consumer ang bill sa kuryente kagaya ng sa mga apartment, commercial stall at public building, susulatan pa rin nila ng kanilang complete name, address, cellphone number at account number, at pipirmahan ang Raffle Stub.
4. Sa November 23, 2020 ang deadline ng paghulog ng Raffle Stub para sa November 27, 2020 raffle draw at sa December 23, 2020 naman para sa December 30, 2020 raffle draw.
5. Gaganapin ang mga raffle draw sa Ground Floor ng CANORECO Main Office sa J.P. Rizal St., Brgy. 1, Daet, Camarines Norte tuwing 1:00 ng hapon.
6. Isang tambiolo ang gagamitin sa mga raffle draw.
7. Para sa November raffle draw, dalawampung (20) consumer bawat munisipalidad, kabilang ang Daet North at Daet South, ang mananalo ng grocery package. Para naman sa December raffle draw, tatlumpung (30) consumer bawat distrito, kabilang ang Daet North at Daet South, ang mananalo ng 25kls. na bigas; dalawang (2) consumer bawat munisipalidad, kabilang ang Daet North at Daet South, ang mananalo ng bisikleta; apat (4) na consumer ang mananalo ng tablet; at isang (1) consumer ang mananalo ng multicab.
8. Dapat na walang arrears sa CANORECO ang kwalipikadong mananalo dahil kung hindi ay muling bubunot ng mananalo.
9. Sa mga consumer na may dalawa o higit pang kuntador, kung ang consumer ay manalo nang higit sa isang (1) beses sa isang (1) raffle draw, ang mas mahal na premyo ang kanyang mapapanalunan. Muli namang bubunot ng mananalo para sa mas murang premyo.
10. Hindi maaaring ilipat sa iba o palitan ng cash ang mga premyo.
11. Iaanunsyo sa radio, ipapaskil sa mga bulletin board, at ilalathala sa Facebook account at website ng CANORECO ang pangalan ng mga mananalo.
12. Bilang patunay ng kanilang pagkakakilanlan, kinakailangang magdala ng isang (1) valid ID ang mga mananalo, gaya ng CANORECO Membership ID, SSS ID, GSIS ID, Employment ID, Driver’s License o Passport.
13. Kung nakapangalan sa iba ang bill, gaya ng sa mga apartment, commercial stall at public building, kinakailangang magdala at magbigay ng mga sumusunod ang nanalong consumer:
a. isang (1) valid ID;
b. mga Official Receipt ng mga binayarang kuryente (Teller’s Official Receipt o machine-validated receipts) ngayong taong 2020; at
c. certification mula sa nakarehistrong member consumer owner o sa nakakasakop na Barangay Captain na nagsasabing ang nanalong consumer ang tunay na nakatira, konsumidor ng kuryente at nagbabayad sa Coop.
14. Kung hindi makakapunta at makukuha ng nanalo ang premyo, maaari siyang magpadala ng representative na dala ang mga sumusunod:
a. awtorisasyon pirmado ng nanalong consumer na naghihirang sa representative bilang tatanggap ng premyo sa ngalan ng nanalong consumer;
b. isang (1) original at valid ID na may picture at signature ng nanalong consumer; at
c. isang (1) original at valid ID na may picture at signature ng representative.
15. Ipagkakaloob lamang ang mga premyo matapos ang validation process na magkikilala sa consumer bilang lehitimong nanalo.
16. Sa loob lamang ng animnapung (60) araw mula pag-anunsyo maaaring matubos ang mga premyo sa CANORECO Main Office, J.P. Rizal St., Brgy. 1, Daet, Camarines Norte.
17. Mapupunta sa CANORECO ang mga premyong hindi natubos matapos ang animnapung (60) araw mula ianunsyo.
18. Hindi maaaring sumali sa raffle promo ang mga opisyal at mga empleyado ng CANORECO, pati ang kanilang mga kamag-anak hanggang sa second degree of consanguinity at affinity.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone no. 09081865100 at landline no. 054-5713796.


