Bumaba na naman ang billing rates na babayaran para sa September 2020 billing. Ang residential rate ay Php8.4952 per kWh na lamang kumpara sa Php8.6404 per kWh noong nakaraang August 2020 billing. Samantala, ang low voltage rate naman ay Php7.5416 per kWh na lamang habang ang high voltage rate ay Php5.9040 per kWh. Nagkaroon ng pagbabang Php0.1452 per kWh.
Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Generation Charge ng Php0.1143 per kWh, Transmission Charge ng Php0.0138 per kWh, System Loss Charge ng Php0.0151 per kWh, Lifeline Subsidy ng Php0.0002 per kWh, at VAT Charges ng Php0.0033 per kWh.
Samantala, tumaas naman ng Php0.0015 per kWh ang GRAM/ICERA.
Bumaba ang Generation Charge dahil sa mas mababang Newcastle Coal Index at FOREX rate components ng Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) billing para sa buwan ng August 2020, at sa Security Deposit Incentive para sa panahon ng April 26, 2020 hanggang July 25, 2020 na nasa Php 0.0962 per kWh. Isa ang APRI sa mga power suppliers na binibilhan ng kuryente ng CANORECO.
Ang pagbaba naman ng Transmission Charge ay dahil sa mas mababang Ancillary Service Charge, Metering Charge at Metering Service Provider (MSP) common charge sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na siyang tagapaghatid ng kuryente mula sa mga power supplier papunta sa mga substation ng CANORECO.
Ang patuloy na pagbabang ito ay sanhi pa rin ng COVID-19 pandemic na nagtutulak sa mga ekonomiya sa buong mundo na mag-lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng naturang virus.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone no. 09081865100 at landline no. 054-5713796.

