CANORECO Balita

๐‚๐€๐๐Ž๐‘๐„๐‚๐Ž ๐’๐„๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐๐š ๐๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ

Matagumpay na natapos ng CANORECO ang pagkakabit ng serbisyo ng kuryente at pagpapailaw sa mga naging benepisyaryo ng Sitio Electrification Program (S.E.P.) sa lalawigan ng Camarines Norte para sa taong 2022. Ang proyektong ito ay programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Electrification Administration (N.E.A.), na naglalayong mapailawan ang mga sitio sa bawat bahagi ng bansa. Bahagi ito sa mandato sa nasabing ahensiya ng gobyerno at sa mga electric cooperatives, na โ€œtotal electrificationโ€ sa buong bansa.
Nasa 16 Sitio/Purok na may kabuuang 467 na tahanan ang naging benepisyaryo ng programang ito sa lalawigan ng Camarines Norte. Ang labing-anim na mga Sitio/Purok na ito ay ang:
โ€ข Purok 7 Banasi, Brgy. Mambungalon, Mercedes
โ€ข Purok 6 Atongon, Brgy. Pambuhan, Mercedes
โ€ข Purok 3 Eucalyptus, Brgy. Tuaca, Mercedes
โ€ข Purok 2 Barangay Site, Brgy. Dagotdotan, San Lorenzo Ruiz
โ€ข Purok 3 Boloy, Brgy. Maisog, San Lorenzo Ruiz
โ€ข Purok 2, Brgy. Cabanbanan, San Vicente
โ€ข Purok 3 Phase 3, Brgy. Cabanbanan, San Vicente
โ€ข Purok 6, Brgy. Man-Ogob, San Vicente
โ€ข Cabuon, Brgy. Pinagtigasan, Vinzons
โ€ข Purok 2, Cutaba (Phase 2), Brgy. Pinagtigasan, Vinzons
โ€ข Purok 5, Brgy. San Lorenzo, Santa Elena
โ€ข Sitio Puktol, Brgy. Del Pilar, Capalonga
โ€ข Purok 6 Mina, Brgy. Lucbanan, Capalonga
โ€ข Purok 7, Brgy. Gumaus, Paracale
โ€ข Purok 8 Baliwag, Brgy. Tugos, Paracale
โ€ข Purok 9 Nipa-Nipa, Brgy, Luklukan Sur, Jose Panganiban
Sila ay nakatanggap ng libreng housewiring installation (nakapaloob rito ang dalawang ilaw, isang saksakan, isang circuit breaker, aabot sa 30 metro ng service drop, at isang kuntador) at labor sa pagkakabit nito. Tanging Php 255.00 lamang ang binayaran ng mga benepisyaryo, kumpara sa normal na halaga na babayaran para sa regular na koneksiyon (5 outlets pababa) na Php 885.40.
Sinimulan ang Pre-Membership Seminar para sa mga benepisyaryo noong Disyembre 2022, habang ang pagtatayo naman ng mga poste at linya ay sinimulan noong Enero, 2023. Napailawan ang mga nasabing sitio/purok at tahanan noong Nobyembre 2023 at nainspeksyon ng mga kawani ng N.E.A. sa pareho ring buwan.
Nagkaroon naman ng Energization Ceremony sa Sitio Puktol, Barangay Del Pilar sa bayan ng Capalonga at Sitio Atongon, Barangay Pambuhan sa bayan ng Mercedes noong Disyembre 2023, bilang hudyat ng tagumpay ng nasabing programa. Nakasama sa nasabing masayang okasyon ang ilang kawani ng CANORECO at opisyales ng barangay, at ng mga benepisyaryo.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph.