CANORECO Balita

Ika-38 AGMA ng CANORECO, Isasagawa Na

Matapos ang mahigit isang taon mula ng kanselahin ng National Electrification Administration (NEA) ang pagsasagawa ng Annual General Membership Assembly (AGMA) ng mga electric cooperative (EC) sa bansa dahil sa pagkalat ng pandemyang COVID-19, maisasagawa na rin ng CANORECO ang nasabing aktibidad sa darating na December 11, 2021, araw ng Sabado, mula 1:00 ng hapon sa pamamagitan ng Facebook Live Stream sa Facebook account ng kooperatiba na Canoreco Balita.

I. Ano ang AGMA?

Ang AGMA ay ang taunang pagpupulong ng mga Member Consumer Owner (MCO) ng isang EC na isinasagawa ng CANORECO tuwing ika-huling Sabado ng Agosto taon-taon.

II. Ano ang ginagawa sa AGMA?

Ang Lupon ng mga Direktor at ang pamunuan ng CANORECO ay nag-uulat tungkol sa operasyon ng kooperatiba sa aspetong pinansyal, teknikal at institusyonal ng nakaraang dalawang (2) taon simulang 2019 hanggang 2020. Ang agenda ng pagpupulong ay ang mga sumusunod:
A. Pagbasa at Pag-aproba ng Katitikan ng Nakaraang Pagpupulong
B. Ulat ng Pangulo
C. Ulat ng Ingat-Yaman
D. Ulat ng Pangkalahatang Tagapamahala
“State of the EC Address” (SECA)
E. Iba Pang Paksang Tatalakayin
F. Malayang Talakayan
G. Panunumpa sa Tungkulin ng mga Bagong Halal na Opisyales ng Lupon at ng MCO Organization

Kikilalanin at bibigyan din ng parangal ang mga personalidad at institusyon na may mahalagang naiambag sa kooperatiba mula noong 2019 hanggang 2020. Ang paksa ng palatuntunan ngayong taon ay “Arise as One: Championing National Development and Building Sustainable Communities through Rural Electrification.”

III. Ano ang kahalagahan ng AGMA?

Sa pagdalo sa AGMA nabibigyan ng kahalagahan ang partisipasyon ng mga MCO bilang miyembro ng kooperatiba. Ang pagdalo dito ay isa rin sa mga kwalipikasyon para maging isang Direktor ng kooperatiba. Kasama rin ang AGMA attendance sa Key Performance Standard na basehan ng NEA sa pagtukoy ng categorization ng kooperatiba.

IV. Sino ang kwalipikadong MCO ng kooperatiba?

Lahat ng MCO ng kooperatiba ay maaaring magparehistro at dumalo sa AGMA ng kooperatiba. Sila yung mga nagpakabit ng kuntador sa kanilang pangalan at nagbayad ng Php5.00 membership fee. Para naman sa mga nagpakabit ng kuntador sa kanilang pangalan pero hindi pa isang MCO, magbayad lamang ng Php5.00 membership fee at dumalo sa online Pre Membership Seminar ng kooperatiba para makapagparehistro at dumalo sa AGMA ng kooperatiba.

Nagsimula ang pagpaparehistro noong October 5, 2021 at magtatapos sa November 29, 2021, 5:00 ng hapon. Ito ay ginagawa sa mga Area Offices at Service Centers ng kooperatiba, at sa mga follow up collection activities tuwing due date. Hinahanapan lamang ng CANORECO Membership ID o kahit anumang valid ID ang MCO para sa madaling pagpaparehistro.

V. Raffle sa AGMA.

Sa taunang AGMA ng kooperatiba, ang parating pinakaaabangan ng mga MCO ay ang raffle na isinasagawa habang nagpupulong sa pamamagitan ng electronic raffle.

Para sa raffle ngayong taon, kasali ang mga nakapagparehistrong MCO ng CANORECO maliban sa mga opisyal at mga empleyado ng kooperatiba at kanilang asawa. Isang raffle entry lamang mayroon ang isang MCO kahit pa mahigit sa isa ang bilang ng kanyang pagmamay-aring kuntador. Dahil dito, ang account name mismo ng MCO ang tatawagin sa raffle at hindi ang kanyang account number.

Gaganapin ang raffle sa araw mismo ng AGMA sa December 11, 2021 mula 1:00 ng hapon. Samantala, magkakaroon naman ng pre-draw para sa minor prizes sa December 10, 2021, 1:30 ng hapon. Lahat ng ito ay mapapanood sa pamamagitan ng Facebook Live Stream sa Facebook account ng kooperatiba na Canoreco Balita. Ang mga mapapanalunang prizes ay ang mga sumusunod:
– Major Prizes:
1 unit Motorcycle w/ Side Car para sa Tagalog Speaking Towns
1 unit Motorcycle w/ Side Car para sa Bicol Speaking Towns
– Minor Prizes:
2 Php5,000.00 Cash para sa bawat distrito
2 Php4,000.00 Cash para sa bawat distrito
2 Php3,000.00 Cash para sa bawat distrito
2 Php2,000.00 Cash para sa bawat distrito
2 Php1,000.00 Cash para sa bawat distrito
10 Php500.00 Cash para sa bawat distrito

Inaanyayahan ang mga MCO ng CANORECO na magparehistro, manood at manalo sa ika-38 AGMA ng CANORECO!

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph