Matagumpay na naisagawa ang Regular District Election sa CANORECO District IV na sumasaklaw sa bayan ng Labo nitong ika-12 ng Hulyo 2025 (Sabado). Nagbukas ang mga presinto para sa pagboto ng 8:00 ng umaga at nagsara ang mga ito ng 3:00 ng hapon.
Bumoto ang mga Member-Consumer-Owner sa mga sumusunod na presinto. Labo Elementary School (Poblacion, Dalas, Masalong, Mabilo 1, 2, Bulhao, Bakiad, Santa Cruz, Iberica, Bautista); Malasugui Elementary School (Malasugui, Guinacutan); Fundado Elementary School (Awitan, Fundado, Bagacay, Cabusay); Tulay na Lupa Elementary School (Tulay na Lupa, Lugui, Bayan-bayan, Napaod, Matanlang, San Antonio, Benit, Baay); Claudio Villagen Elementary School (Talobatib, Mahawan-hawan, Malangcao-basud, Calabasa, Maot, Pangpang, Pag-asa); Daguit Elementary School (Daguit, Macogon, Submakin); Felix Asis Elementary School (Bagong Silang 1, 2, 3, Dumagmang, Malatap, Exciban); Canapawan Elementary School (Canapawan, Malibago, Anameam, Cabatuhan, Malaya); Guisican Elementary School (Tigbinan, Guisican, Bayabas).
Sa dalawang kwalipikadong kandidato, nakakuha si Mr. Jomelo Salvador “Jom” V. De Lima ng 1,323 na boto samantalang si Mr. Ariel “Aying” F. Delos Reyes ay nakakuha naman ng 524 na boto. Sa kabuuan, 1,847 na MCO ang bumoto sa bayan ng Labo. Sa pagkapanalo ni Director-elect Jomelo Salvador “Jom” V. De Lima, magsisilbing Director o Representative siya sa CANORECO ng mga MCO sa District IV – Labo hanggang sa susunod na Regular District election sa taong 2028. Siya ay manunumpa bilang isang ganap na CANORECO Director para sa bayan ng Labo sa darating na 42nd Annual General Membership Assemby ng Kooperatiba na gaganapin sa August 31, 2025 (Linggo).
Ang nasabing election ay pinangasiwaan nila District Election Committee (DECOM) Chairman Melissa M. Barbosa (PSDS – Labo West District), DECOM Secretary Arnulfo P. Orbigo, Jr. (MCO Municipal Chairman ng Labo) at DECOM 3rd Member Job M. Francisco (MCO Municipal Vice Chairman ng Labo). Nasa 52 na Teachers ng Labo at Daet, kasama ang mga kawani ng kooperatiba, ang naging bahagi naman ng Precinct Election Committee (PECOM) sa bawat naging voting precinct sa bayan ng Labo.
Nagpapasalamat ang CANORECO sa mga naglingkod sa nasabing election lalo na sa Department of Education – Division of Camarines Norte sa patuloy na pagsuporta sa mga District Election na isinasagawa ng kooperatiba, at sa mga MCO na tumupad sa kanilang obligasyon at karapatang bumoto ng kanilang representante sa CANORECO.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph


