Bumaba ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa January 2024 billing. Ang residential rate ngayon ay Php 9.2229 per kWh kumpara sa Php 10.0796 per kWh noong nakaraang December 2023 billing. Ang low voltage rate ay Php 8.7538 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php 7.1799 per kWh. Ang pagbabang ito ng Php 0.8567 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
Bumaba ang Generation System Charge ng Php0.6825 per kWh bilang resulta ng mas mababang Blended Generation Rate dahil sa mas mababang Fuel Cost na ibinayad sa Therma Luzon Inc. (TLI) para sa supply month ng December 2023.
Dahil sa pagbaba ng Generation System Charge, bumaba rin ang System Loss Charge ng Php0.0877 per kWh. Bumaba naman ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.1001 per kWh.
Samantala, suspendido pa rin ang pagkolekta ng Metering Charge na Php 0.4326 per kWh bilang pagsunod sa ERC Resolution No. 07, Series of 2023 hanggang sa makakuha ang CANORECO sa ERC ng Certificate of Authority na mag-operate at mag-maintain ng Meter Shop.
Gayundin, suspendido pa rin ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.0364 per kWh alinsunod sa ERC Resolution No. 11, Series of 2023 na nagpalawig ng pansamantalang pagsuspinde sa pagkolekta ng FIT-All Charge mula September 2023 hanggang sa ipahinto ito ng ERC.
Sa kabilang banda, tumaas ang Transmission System Charge ng Php0.0126 per kWh ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa pagbaba ng demand sa Luzon Grid.
Tumaas din ang Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) sa Php0.2494 per kWh na siyang kabuuan ng Php 0.0239 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2013-191 RC noong August 4, 2022 at Php0.0433 per kWh alinsunod naman sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case Nos. 2014-089 RC at 2016-008 RC noong March 22, 2023 na parehong kinokolekta ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation; at Php0.1822 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2022-014 RC noong September 5, 2023 na kinokolekta naman ng National Power Corporation (NPC).
Sa pagbaba ng power rate na babayaran ngayong February 2024 para sa mga konsumo sa kuryente noong January 2024, mababawasan ng Php85.67 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php171.34 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 257.01 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa January 2024 power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 5.0581 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 0.7233 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.6458 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.1897 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4277 per kWh; at sa DS(M) Charges ay Php 1.1783 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/(Metering) Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng Energy Regulatory Commission (ERC). Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph.

