CANORECO Balita

S.E.P. 2024 Beneficiaries, Matagumpay na Na-energize

Matagumpay na na-energize ang mga sitio sa ilalim ng S.E.P. 2024 nitong ika-9 ng Mayo 2025 (Biyernes). Sa kabuuan, 552 na kabahayan ang naging benepisyaryo ng Sitio Electrification Program na nakapaloob sa 27 Sitios na nasa loob ng 26 na Barangay na mula sa 10 bayan ng lalawigan. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Barangay Site, Lidong, Basud (27 beneficiaries)
  • P-3 Santol, Old Camp, Capalonga (28 beneficiaries)
  • P-2 Danayan, San Roque, Capalonga (23 beneficiaries)
  • P-4, Tanauan, Capalonga (17 beneficiaries)
  • Sitio Tabadiak, San Jose, Jose Panganiban (24 beneficiaries)
  • P-5 Anus, San Pedro, Jose Panganiban (8 beneficiaries)
  • P-6, Anameam, Labo (42 beneficiaries)
  • P-5 Tagong Paraiso, Bagong Silang 1, Labo (11 beneficiaries)
  • Barangay Site, Bautista, Labo (14 beneficiaries)
  • P-6, Bayan-bayan, Labo (10 beneficiaries)
  • P-3, Cabatuhan, Labo (15 beneficiaries)
  • P-6, Talobatib, Labo (12 beneficiaries)
  • P-4 Legaspi Kalantas Urban Poor, Tulay na Lupa, Labo (27 beneficiaries)
  • P-1, Lalawigan, Mercedes (21 beneficiaries)
  • P-2, Lalawigan, Mercedes (14 beneficiaries)
  • P-7A Landing, Bagumbayan, Paracale (26 beneficiaries)
  • Barangay Site, Bakal, Paracale (55 beneficiaries)
  • P-1, Pinagbirayan Munti, Paracale (27 beneficiaries)
  • P-4, Mangkasay, Paracale (11 beneficiaries)
  • P-5, Laniton, San Lorenzo Ruiz (23 beneficiaries)
  • P-4, Daculang Bolo, San Lorenzo Ruiz (10 beneficiaries)
  • P-3, Iraya Sur, San Vicente (11 beneficiaries)
  • Mananap Falls, Fabrica,San Vicente (19 beneficiaries)
  • P-3 Kagas, Caawigan, Talisay (16 beneficiaries)
  • Pinagkab-An (Phase 2), Mangcayo, Vinzons (29 beneficiaries)
  • P-5, Singi, Vinzons (11 beneficiaries)
  • P-4, Calabagas, San Vicente (21 beneficiaries)

Bukod sa nalagyan ng mga poste, kawad at iba pang line hardware patungo sa mga sitio na seserbisyohan ng kuryente, nabigyan rin ng libreng house wiring installation, na kasama ang 30 meters na service drop ang bawat bahay na kasali sa programa. Kasama rin dito ang pag-waive sa ibang requirements at fees na nakapagbigay ng malaking tulong sa mga beneficiary.

Nagkaroon ng simpleng Energization Ceremony ang ilan sa mga sitio mula May 5 hanggang 7 kasama ang kanilang Director at Barangay Officials. Ito ay bilang tanda ng pagkakaroon ng serbisyo ng kuryente ng mga sitio sa ilalim ng S.E.P. 2024.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na CANORECO at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph