Sa wakas, opisyal na ang pagiging International Organization for Standardization (ISO) 9001:2015 Certified ng Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) – ang kooperatiba ng kuryente ng lalawigan ng Camarines Norte.
Matapos ang nasa apat na buwang paghihintay mula ng makapasa ang CANORECO sa ISO 9001:2015 Certification Audit Stage 2 noong March 30-31, 2023 at ISO 9001: 2015 Certification Audit Stage 1 noong February 3, 2023 sa Auditors ng TÜV NORD Philippines, Inc. (TÜV NORD) sa tulong ng Consultants ng Synergized Macro Solutions, Inc. (SMS), natanggap na ng kooperatiba ang mahigit isang taong pinaghandaan at pinagtulungan na ISO 9001:2015 Certificate noong July 11, 2023 sa isang Awarding Ceremony na isinagawa sa Blue Rock Event Center, Daet, Camarines Norte.
Dinaluhan ang nasabing seremonya ng CANORECO Board of Directors (BOD) sa pamumuno ni BOD President Marcial Ferrer at ng CANORECO Employees sa pamumuno ni General Manager Zandro Gestiada kasama ang mga Department/Area Managers, Division Chiefs, Section Heads at Associates ng kooperatiba.
Ang ISO 9001 ay isang internasyonal na pamantayan sa Quality Management System (QMS) para sa anumang organisasyon mula sa lahat ng uri ng negosyo at aktibidad. Nakatuon ito sa customer satisfaction sa pamamagitan ng paghahatid ng de-kalidad na produkto at serbisyo. Makatutulong ito sa mga organisasyon na makamit ang mga pamantayan ng kalidad na kinikilala at iginagalang sa buong mundo.
Ang CANORECO ang kauna-unahang electric cooperative (EC) sa buong Bicol Region na naging ISO 9001:2015 Certified. In-audit ang CANORECO sa ilalim ng Distribution of Electricity sa lalawigan ng Camarines Norte.
Congratulations Member Consumer Owners ng CANORECO! ISO Certified na ang kooperatiba ninyo!
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na
www.canoreco.com.ph