CANORECO Balita

CANORECO 40th AGMA Pre-Registration, Nagsimula Na!

Nagsimula na ang Pre-Registration ng CANORECO para sa nalalapit nitong 40th Annual General Membership Assembly na gaganapin sa August 26, 2023. Mula noong July 4, 2023 hanggang sa August 22, 2023 ay maaari nang magparehistro ang mga Member Consumer Owner (MCO) ng kooperatiba sa mga opisina nito, maging sa mga Accredited Bayad Centers nito.
Sa gaganaping AGMA Raffle sa August 26 2023 na mapapanood ng Live via Facebook Streaming sa Facebook Page ng CANORECO sa oras na 1:00 ng hapon, ang mga mapapanalunang papremyo ay ang mga sumusunod:
MAJOR PRIZES
– Php75,000.00 Cash (1 winner Bicol-Speaking Towns, 1 winner Tagalog-Speaking Towns)
– Php50,000.00 Cash (1 winner Bicol-Speaking Towns, 1 winner Tagalog-Speaking Towns)
MINOR PRIZES
– Php10,000.00 Cash (3 winners per Town)
– Php7,000.00 Cash (3 winners per Town)
– Php5,000.00 Cash (3 winners per Town)
– Php2,000.00 Cash (3 winners per Town)
– Php1,000.00 Cash (3 winners per Town)
Ang Major Prizes ay ipaparipa Live! sa AGMA sa pamamagitan ng electronic raffle. Samantala, magkakaroon naman ng Pre-Draw para sa Minor Prizes sa August 25, 2023 sa pamamagitan din ng electronic raffle.
Sakaling hindi pa MCO ng kooperatiba o hindi pa nakapangalan sa kanya ang ginagamit na kuntador, maaaring magpa-Member sa pamamagitan ng pagpunta sa Pre Membership Seminar at pagsumite ng mga sumusunod:
– 1×1 photo
– Php5.00 membership fee
– Photocopy ng kahit anong valid government-issued ID
– Photocopy ng birth certificate kung single o marriage certificate kung married
– Notaryadong Kasunduan-Kahilingan form galing sa CANORECO
– Pirmado at thumbmarked na History Card galing sa CANORECO
Tandaan lamang na ang aplikasyon sa membership ay kailangan munang maaprubahan ng Board of Director ng CANORECO bago magkaroon ng bisa.
Magrehistro at Manalo sa AGMA ng CANORECO!

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph