COOP Activities

Orientation ng Candidates para sa Mercedes District Election

Heads Up, Mercedes MCOs!
Isinagawa po ngayong araw, July 13 2023, ang orientation sa dalawang kandidato sa pagka-Direktor para sa inyong distrito/bayan. Sila po ay sina Mr. Arwin Segundo at Mr. Rey Villeno.
Ang eleksyon ay gaganapin po sa July 22, 2023 mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa nasa 15 na election precincts sa buong bayan ng Mercedes.
Ang ihahalal po ninyong Director ang siya pong magrerepresenta sa inyo at sa inyong distrito/bayan sa ating CANORECO Board of Directors. Sila po ang gumagawa ng mga polisiya ng ating kooperatiba ng kuryente alinsunod sa mga batas, tuntunin at regulasyon na sumasaklaw sa buong electric power industry ng ating bansa.
Paalala lamang po na ang Member Consumer Owners (MCO) lamang po ng kooperatiba ang maaaring bumoto. Ipinagbabawal po ang proxy voting. Para malaman kung kayo po ay MCO natin, pakicheck po ang ating Masterlist of Voters na ipinadala namin sa inyong mga barangay halls. Sa pagboto, magdala po ng isang valid government-issued ID o ang inyong CANORECO membership ID kung meron.
Bilang inyo pong karapatan at obligasyon, tara po at bumoto sa JULY 22, 2023!
May be an image of 3 people, people studying, hospital and text