Paliwanag sa Naganap na Power Service Interruption Ngayong Araw ng Martes (5 August 2025) Mula 12:06PM Hanggang 12:35PM
Nais ipabatid ng Kooperatiba ang naranasang power service interruption ngayong araw ng Martes, 5 August 2025, mula 12:06 hanggang 12:35 ng tanghali, sa ilang barangay ng DAET NORTH at MERCEDES.
Narito ang mga detalye ng insidente:
> 12:06PM – Nakatanggap ang Kooperatiba ng ulat mula sa sa mga MCO mula sa mga naapektuhang lugar ng biglaang pagkawala ng serbisyo ng kuryente (Brgy. 4, 8, Gubat, Gov. Panotes Ave. mula Elevated Plaza hanggang Mabini Colleges sa bayan ng DAET; Brgys. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, San Roque, at Del Rosario sa bayan ng MERCEDES).
> Agad na tumugon ang Technical Team ng Kooperatiba upang siyasatin ang mga impormasyon na natanggap.
> Sa pagsasagawa ng testing sa recloser upang ibalik ang kurynte, napag-alaman na ang sanhi ay ang Disconnecting Cutout ng Mabini Colleges.
> Agad nagsagawa ng pagkukumpuni ang Technical Team ng Kooperatiba sa Disconnecting Cutout ng Mabini Colleges.
> 12:35PM – Matagumpay na naibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga naapektuhang lugar.
Ang Kooperatiba ay humihingi ng paumanhin sa mga Member-Consumer-Owner sa abalang dulot ng pangyayaring ito. Ipinagbibigay alam ng Kooperatiba na patuloy ang pagsisikap nito na mapanatili ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente para sa mga MCO.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

