Paliwanag sa Naganap na Power Service Interruption Ngayong Araw ng Martes (5 August 2025) Mula 10:25PM Hanggang 10:48PM
Nais ipabatid ng Kooperatiba ang naranasang power service interruption ngayong araw ng Martes, 5 August 2025, mula 10:25 hanggang 10:48 ng gabi sa ilang barangay ng BASUD at MERCEDES.
Narito ang mga detalye ng insidente:
> 10:25PM – Nakatanggap ang Kooperatiba ng ulat sa mga MCO mula sa mga naapektuhang lugar ng biglaang pagkawala ng serbisyo ng kuryente (Bahagi ng Brgy. Poblacion 2 at River Block Barangays ng BASUD; Coastal Barangays ng MERCEDES).
> Kasabay nito ay nakatanggap rin ng report na may narinig na sumabog sa may Narra St., Brgy. Poblacion 2, Basud.
> Agad na tumugon ang Technical Team ng Kooperatiba upang siyasatin ang mga impormasyon na natanggap.
> Sa pag-inspeksyon sa narinig na sumabog sa Narra St. ay walang natagpuang problema sa nasabing lugar.
> Nang masigurong ligtas nang ibalik ang serbisyo ng kuryente ay na-reenergize ang mga apektadong lugar ng 10:48PM.
Ang Kooperatiba ay humihingi ng paumanhin sa mga Member-Consumer-Owner sa abalang dulot mg pangyayaring ito. Patuloy ang pole to pole inspeksyon ng Technical Team ng Kooperatiba upang masiguro ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente para sa mga MCO.
Kung may namataang problema sa linya ay agad ipag-bigay alam sa Area 1 Office sa hotline number nito na, 0919 095 2707. Maraming salamat po.