CANORECO Advisories

CANORECO Advisory

Paliwanag sa Naganap na Power Service Interruption Ngayong Miyerkules, 6 August 2025, Mula 12:10 AM Hanggang 1:05 AM

Nais ipabatid ng Kooperatiba ang naganap na power service interruption ngayong Miyerkules, 6 August 2025, mula 12:10 AM hanggang 1:05 AM, na nakaapekto sa ilang barangay ng DAET at MERCEDES.

Narito ang mga detalye ng insidente:
> 12:10 AM – Nakatanggap ng mga ulat ang Kooperatiba mula sa mga Member-Consumer-Owners (MCO) hinggil sa biglaang pagkawala ng serbisyo ng kuryente mula sa mga apektadong lugar (Brgys. 1, 2, 3, 4, 8, San Isidro, Cobangbang, Mambalite, Gubat, bahagi ng Vinzons Ave. (Elevated Plaza hanggang Mabini Colleges), Kapitan Isko St., Happy Homes Pamorangon, at bahagi ng Camambugan (Happy Homes Greenview at Purok 6) sa bayan ng DAET; Brgys. Del Rosario, San Roque, 1, 2, 3, 4, 5, 6, at 7 sa bayan ng MERCEDES).
> Agad na tumugon ang Technical Team ng Kooperatiba upang magsagawa ng pole-to-pole inspection sa mga linya ng kuryente.
> Sa kasalukuyan, wala pang natutukoy na partikular na dahilan o aberya na nagdulot ng nasabing power interruption. Patuloy ang masusing pagsusuri at inspeksyon ng Technical Team upang matiyak ang seguridad at kalagayan ng linya.
> 1:05 AM – Matapos masigurong ligtas ang mga linya, muling naibalik ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhang lugar.

Humihingi po ng paumanhin ang Kooperatiba sa abalang naidulot ng insidenteng ito. Hinihikayat ang mga MCO na agad ipagbigay-alam sa Area 1 Office sa numerong 0919 095 2707 kung may mapansing problema o aberya sa linya ng kuryente.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.