CANORECO Balita

CANORECO, Nagdaos ng 1st Basic SubStation Tending Seminar

Nagdaos ang CANORECO ng kauna-unahan nitong Basic SubStation Tending Seminar noong August 22, 2020 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Function Hall, 4th Flr., CANORECO Bldg. at Lag-on SubStation, Daet, Camarines Norte.

Dinaluhan ang seminar ng nasa labing-walong (18) Linemen at Meter Readers ng Kooperatiba na nakapakinig sa mga paksang “Health and Safety Practices” na ibinahagi ni Safety Officer (SO) Engr. Reymond L. Rada, “The New Normal” ni Occupational Health Nurse (OHN) Menchie S. Balane, “Introduction to SubStation Tending” ni Technical Services Manager (TSM) Engr. Alexis O. Olila at “Basic SubStation Tending Course” ni SubStation Chief Engr. Redentor A. Molina.

Kinahapunan ay nagkaroon naman ng demonstrasyon sa Lag-on SubStation kung saan aktwal na ipinakita sa mga participant ang mga itinuro tungkol sa regular na pagpapatakbo at pamamahala sa mga SubStation ng Kooperatiba.

Ang maagang pagkakatuklas sa kahinaan ng mga electrical equipment ay makatutulong sa pagpapanatili ng mga gastos sa minimum, pagpapahaba ng buhay ng mga electrical system at pagpapabuti sa safety conditions ng mga electrical system operating personnel. Layon ng seminar na ito na matiyak ang optimum efficiency at minimal downtime ng mga SubStation ng CANORECO para sa mas maayos na serbisyo sa mga miyembro-konsumidores nito.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone no. 09081865100 at landline no. 054-5713796.