COOP Activities

SEP 2025 Energization Ceremony (San Rafael)

Ilang larawan sa naganap na energization ceremony para sa SEP 2025 Beneficiaries mula sa Brgy. San Rafael sa bayan ng Jose Panganiban nitong hapon ng Miyerkules, 20 May 2026.

Dinaluhan ito ng mga benepisyaryo ng programa kasama ang kanilang kagawad na si Honorable Carlito B. Bang bilang kinatawan ng kanilang Punong Barangay na si Honorable William N. Reduta, at ng Barangay Council ng San Rafael.

Kasama ring dumalo ang ating Direktor para sa CANORECO District VI (Jose Panganiban) at kasalukuyang CANORECO-BOD Vice President na si Director Balbino S. Boral, Jr. at ilang kawani ng Kooperatiba para sa aktibidad na ito.