COOP Activities

S.E.P. 2024 Energization Ceremony (Brgy. Mangcayo, Vinzons)

Ilang larawan sa naganap na S.E.P. 2024 Energization Ceremony sa Barangay Mangcayo sa bayan ng Vinzons noong May 7, 2025 (Miyerkules) kasama ang ating CANORECO Board of Directors Secretary at Director para sa Vinzons na si Director Marcial P. Ferrer.

Nasa 29 ang naging beneficiaries ng nasabing barangay. Bukod sa nakabitan ng serbisyo ng kuryente ang kanilang lugar, nakatanggap sila ng libreng installation ng wirings kasama ang isang saksakan at dalawang ilaw.

Nagpapasalamat tayo sa pakikipagtulungan ng mga opisyales ng nasabing barangay sa naging tagumpay ng proyekto na ito.