CANORECO Balita

CANORECO at TESDA, NAGSAGAWA NG LIVELIHOOD TRAINING PROGRAM PARA SA MGA MCO

Nagsagawa ng Livelihood Training Program (TLP) ang CANORECO at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong December 8, 10, 12 15 at 16, 2020 para sa mga piling Member Consumer Owner (MCO) ng kooperatiba bilang bahagi ng socio-economic development programs para sa MCO Program for Empowerment (MCOPE).

Pinangunahan ang nasabing programa ni Mr. Tobias Obrero Jr., Community Training and Employment Coordinator (CTEC) ng TESDA; Mrs. Nora Lobos, Accredited Trainor ng TESDA; at kanilang mga kasama.

Kasama sa training ang ilang kawani ng CANORECO at mga piling representante ng MCO ng ibaโ€™t ibang distrito sa limang (5) araw na training. Pinag-aralan ang Meat Processing (skinless longganisa, pork tocino, embutido at siomai), Fish Processing (fish shanghai, fish ball, fish embutido at fish nuggets) at Kakanin Making (espasol, maja blanca, empanada, biko at pichi-pichi) na magagamit ng mga MCO sa pansarili o pang-negosyo man.

Ang Livelihood Program na ito ay ipagpapatuloy ng CANORECO para sa mga opisyales at miyembro ng MCO ng bawat distrito bilang katuwang ng kooperatiba sa mga programang hatid nito para sa mga miyembro-konsumidores.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa mga numerong 09081865100, 09190952707 at 054-5713796.