CANORECO Balita

FEBRUARY 2022 BILLING RATES, BAHAGYANG TUMAAS

Bahagyang tumaas ang billing rates na babayaran para sa February 2022 billing. Ang residential rate ay Php11.4477 per kWh na kumpara sa Php11.3928 per kWh lamang noong nakaraang January 2022 billing. Ang low voltage rate ay Php10.4942 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php8.7600 per kWh. Nagkaroon ng pagtaas na nasa Php0.0549 per kWh.

Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Transmission Charge ng Php0.0239 per kWh dahil sa mas mataas na average transmission rate sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Tumaas rin ang Lifeline Subsidy at ang Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) na may kabuuang Php0.0085 per kWh; at ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.7025 per kWh.

Gayunpaman, bumaba ang Blended Generation Charge ng Php0.6083 per kWh dahil sa mas mababang generation rate sa billing ng Therma Luzon Inc. (TLI) sa kabila ng kapansin-pansing pagtaas ng market prices dahil sa mas mababang available capacity dala ng significant outages ng base load generators at ng patuloy na gas restriction sa Malampaya Gas Facility.

Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.

Ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa power supplier gaya ng TLI at power seller gaya ng WESM, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph