CANORECO Balita

𝐏𝐀𝐋𝐈𝐖𝐀𝐍𝐀𝐆 𝐒𝐀 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐑𝐔𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐆𝐑𝐈𝐃 𝐂𝐎𝐑𝐏𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄𝐒 (𝐍𝐆𝐂𝐏) 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐋𝐀𝐖𝐈𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐄 𝐍𝐎𝐎𝐍𝐆 𝐅𝐄𝐁𝐑𝐔𝐀𝐑𝐘 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟑

Ang naranasang Emergency Power Service Interruption sa mga bayan ng MERCEDES, BASUD, SAN LORENZO RUIZ, DAET, SAN VICENTE, TALISAY, VINZONS, LABO, STA. ELENA, CAPALONGA at PARACALE maliban sa Brgy. Gumaus; at sa Brgys. Tamisan, San Martin, Sta. Elena, Sta. Cruz, San Pedro, San Jose, San Isidro, Salvacion, Nakalaya, Dayhagan at Dahican sa JOSE PANGANIBAN noong February 9, 2023 (Huwebes) mula 4:35 ng hapon hanggang 4:40 ng hapon (5 minuto) ay dahil sa “Automatic Load Dropping (ALD) due to System Deficiency” ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ang ALD ay nangyayari kapag nawawalan ng suplay ng kuryente ang isa o ilang lugar dahil sa napakababang suplay ng kuryente. Ito ay minomonitor ng NGCP na isang pribadong kompanya na nag-ooperate, nagme-maintain at nagde-develop ng electricity transmission grid ng bansa.
Ang ganitong pangyayari ay hindi kontrolado ng mga electric cooperative sa kadahilanang distribution lamang ang mga ito. Tagapamahagi lamang sila ng suplay ng kuryente na ang gumagawa ay ang mga planta ng kuryente. Kapag nagkulang ang suplay mula sa mga planta, walang nakakarating na suplay sa mga electric cooperative. Ang pagpapadaloy ng suplay ng kuryente mula planta hanggang kooperatiba ay ang tungkulin ng NGCP. Kaya naman kung magkaproblema rin sa mga kagamitan o pasilidad ng NGCP, wala ring makakarating na suplay sa kooperatiba.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa Official Facebook Account ng CANORECO, ang Canoreco Balita, at sa Official Website, www.canoreco.com.ph.