CANORECO Balita

π‰π”π‹π˜ πŸπŸŽπŸπŸ’ ππŽπ–π„π‘ 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐒

Tumaas nang bahagya ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa July 2024 billing. Ang residential rate ngayon ay Php 10.3578 per kWh kumpara sa Php 9.1601 per kWh noong nakaraang June 2024 rate. Ang low voltage rate ay Php 9.4042 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php 7.9911 per kWh. Ang pagtaas na ito ng Php 1.1977 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
β€’ Pagtaas ng Generation System Charge ng Php 1.0810 per kWh mula Php 4.5034 per kWh noong June 2024 hanggang Php 5.5844 per kWh ngayong July 2024 billing month dahil sa pagkolekta sa ipinagpalibang May 2024 Wholesale Electricity Spot Market (WESM) Charges na hinati sa apat (4) na pantay na monthly installment mula June 2024 hanggang September 2024 bilang pagsunod sa direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Maaaring patuloy na tumaas ang Generation System Charge sa mga susunod na buwan o hanggang September 2024 dahil sa pagkolekta sa natitirang tatlong (3) monthly installment ng May 2024 WESM Charges.
β€’ Pagtaas ng System Loss Charge ng Php 0.1208 per kWh dahil sa pagtaas ng Generation System Charge.
β€’ Pagkolekta ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.0838 per kWh alinsunod sa ERC Decision para sa ERC Case No. 2022-051 RC noong May 3, 2024.
β€’ Pagtaas ng Value Added Tax (VAT) Charges ng Php 0.0989 per kWh dahil sa pagtaas ng Generation System Charge at ng System Loss Charge.
Sa kabilang banda, bumaba naman ang mga sumusunod:
β€’ Bumaba ang Transmission System Charge ng Php 0.1503 per kWh dahil sa pagbaba ng Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month ng June 2024.
β€’ Bumaba ang Senior Citizen Subsidy Charge ng Php 0.0001 per kWh.
Samantala, nagpapatuloy naman ang pagkolekta ng sumusunod:
β€’ Nagpapatuloy ang pagkolekta ng Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.2255 per kWh na binubuo ng Php 0.0433 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case Nos. 2014-089 RC at 2016-008 RC noong March 22, 2023 na kinokolekta ng PSALM Corporation at ng Php 0.1822 per kWh alinsunod naman sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2022-014 RC noong September 5, 2023 na kinokolekta naman ng National Power Corporation (NPC).
Sa pagtaas ng power rate na babayaran sa August 2024 para sa mga konsumo sa kuryente noong July 2024, madadagdagan ng Php 119.77 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 239.54 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 359.31 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa July 2024 power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 5.5844 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 0.5625 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.7634 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.4094 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4272 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng ERC Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph.