Bumaba ng Php0.3518 per kWh ang rates para sa billing month na June 2020. Ang residential rate ay Php9.0836 per kWh kumpara sa Php9.4354 noong buwan ng Mayo. Samantala, ang commercial rate naman ay Php8.1300 per kWh para sa low voltage at Php6.3546 per kWh para sa high voltage consumers.
Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Generation Charge ng Php0.2611 per kWh, Transmission Charge ng Php0.0521 per kWh, System Loss Charge ng Php0.0323 per kWh, at GRAM/ICERA, Lifeline Subsidy at Senior Citizen Subsidy ng Php0.0168 per kWh. Samantala, tumaas naman ng Php0.0105 per kWh ang VAT charges.
Bumaba ang Generation Charge bilang resulta ng pagbaba rin ng pinagsamang rate ng APRI at WESM kung saan bumibili ang CANORECO ng kuryente. Ang pagbaba naman ng Transmission Charge ay dahil sa bumabang Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tagapaghatid ng kuryente mula sa mga nabanggit na power supplier papunta sa mga substation ng CANORECO.
Ang lahat ng mga pagbabang ito ay sanhi ng kasalukuyang sitwasyon ng bansa kung saan ang supply ng kuryente ay hindi masyadong in-demand dahil sa pagsasara ng maraming mga negosyo at establisyemento bunsod ng paglaganap ng pandemyang COVID-19.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.

