Muling nagsagawa ng maintenance ng mga linya ang CANORECO noong Hunyo 26, 2020 mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa Brgy. 4, 7, 8 at Gubat sa bayan ng Daet, at sa buong bayan ng Mecedes maliban sa Coastal Barangays habang nakasailalim ang mga ito sa scheduled power service interruption.
Nagkaroon ng muling pagkakabit ng recloser, pagwawasto ng hotspot at paglilinis ng linya sa mga nasabing lugar.
Nagkabit naman ng overhead guy wire (OHGW) sa Brgy. Maybato sa bayan ng Paracale at nagpalit ng mga poste ng 69kV Line sa Brgy. Capacuan, Maybato at Tawig sa parehong bayan, at sa Brgy. Sta. Rosa Sur sa bayan ng Jose Panganiban noong Hunyo 27, 2020 mula 5:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon.
Ginawa ang mga ito habang nakasailalim din sa scheduled power service interruption ang buong bayan ng Jose Panganiban maliban sa Brgy. Tamisan at San Martin; buong bayan ng Paracale maliban sa Awitan, Dancalan, Bakal, Tabas, Mangkasay, Calaburnay at Pinagbirayan Malaki; at sa Brgy. Talobatib, Mahawan-hawan, Calabasa, Pag-asa, Maot, Matanlang, Pangpang, Malangcao-basud at bahagi ng Daguit sa bayan ng Labo.
Layunin ng mga aktibidad na ito na matiyak ang maximum efficiency at availability ng mga kagamitan at mga kaugnay na pasilidad ng kooperatiba para sa mas maayos na serbisyo at kaligtasan ng mga miyembro-konsumidores nito..
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Technical Services Department (TSD) at Area 1 Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.

