CANORECO Balita

Pagsasanay sa mga Kawani ng CANORECO, Patuloy

Ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) ay palaging nagsusumikap na mapagbuti ang serbisyo nito taon-taon para sa mga Member-Consumer-Owners. Upang maisakatuparan ito, patuloy na nagsasagawa at nag-oorganisa ng iba’t ibang trainings at seminar para sa mga empleyado nito.

Isa sa pangunahing layunin ng mga pagsasanay na isinasagawa ng CANORECO ay ang pagpapabuti ng teknikal na kaalaman ng mga Engineers at Linemen. Nag-organisa ng mga teknikal na seminar at workshop ang Kooperatiba gaya ng Trouble Shooting and Rebanking of Distribution Transformer Seminar, Net Metering Seminar, Metering Technical Seminar, at CPD Trainings. Ang mga seminar na ito ay naglalayong palakasin ang kanilang kasanayan sa paghawak ng mga kagamitan at sistema na ginagamit sa operasyon ng Kooperatiba. Bukod dito, ang mga pagsasanay na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga technical personnel na ma-update ang kanilang kaalaman sa mga pinakabagong trends sa industriya ng enerhiya.

Bukod sa teknikal na aspeto, ang CANORECO ay nagbigay din ng mga pagsasanay tulad ng Customer Service Training, Personality Development Webinar, at How to Implement Effective Complaint Management. Ang mga empleyado ay tinuturuan ng tamang pakikitungo at pakikipag-usap sa mga consumers upang masiguro na ang bawat transaksyon ay maaayos at kaaya-aya na karanasan para sa kanila. Ang mga pagsasanay na ito ay tumutulong din sa mga empleyado na mas maging epektibo sa pagtugon sa mga reklamo at katanungan ng mga consumers.

Ang CANORECO ay hindi rin nagkukulang sa pagbibigay ng mga pagsasanay na naglalayaon na palakasin ang pamamahala at liderato ng Kooperatiba. Nag-oorganisa naman ng Psychological First-Aid and Counseling in the Organization at Effective Conflict Management sa mga supervisors upang mahasa at mapabuti ang kanilang kakayahan sa pamumuno at pamamahala.

Upang masigurong mataas ang kalidad ng mga pagsasanay na isinasagawa, ang CANORECO ay kumukuha ng mga eksperto at propesyonal mula sa iba’t ibang larangan. Sa pamamagitan nito, natitiyak na ang mga empleyado ng CANORECO ay tumatanggap ng dekalidad na kaalaman at pagsasanay na makakatulong sa kanilang propesyonal na paglago.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph