Sa inilabas ng National Electrification Administration (NEA) na resulta ng Calendar Year 2023 Electric Cooperative (EC) Overall Performance Assessment and Size Classification noong July 3, 2024 sa pamamagitan ng NEA Memorandum No. 2024-30, sa ikawalong magkakasunod na taon ay muling nakakuha ng βAAAβ (Triple A) Category EC ang CANORECO.
Mula taong 2016 nang sunod-sunod na makuha ng CANORECO ang nasabing EC Category. Ang Triple A (βAAAβ) Award ang pinakamataas na ibinibigay ng NEA sa isang electric cooperative na gaya ng CANORECO na napanatili ang mga parameters na nakapaloob sa ibinigay ng NEA na kailangang maabot ng isang electric cooperative.
Samantala, nananatili pa rin ang kooperatiba na isang Mega Large EC na siyang pinakamalaking size classification (Mega Large, Extra Large, Large, Medium, Small) ng isang electric cooperative.
Sa 121 na electric cooperative sa buong bansa, kabilang ang CANORECO sa 88 EC na nakakuha ng Category “AAA”. Nasa 8 EC ang nag-improve ang performance. At sa pitong (7) EC na itinuturing na βailing ECβ, lima (5) ang nanatili sa kanilang Category mula 2022 hanggang 2023.
Layon ng EC Overall Performance Assessment na sukatin ang katayuang pinansyal, institusyonal at teknikal ng mga electric cooperative sa buong bansa upang matukoy ang credit worthiness, level of development, protection, empowerment at satisfaction ng mga Member Consumer Owners (MCOs), at upang itaguyod ang pananagutan ng mga electric cooperative sa kanilang mga obligasyon.
Nagpapasalamat ang CANORECO sa lahat ng mga empleyado, mga direktor at mga MCO ng kooperatiba sa pakikipagtulungan upang magampanan ang misyon nito na makapagbigay ng mapagkumpitensya, maaasahan at mahusay na serbisyo ng kuryente na magpapaangat sa antas ng pamumuhay ng mga MCO.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph

