Muling nagpadala ang CANORECO ng isang grupo ng Task Force noong January 6, 2021 sa First Catanduanes Electric Cooperative Inc. (FICELCO), na na-assign sa San Miguel, Catanduanes.
Sinundan ito ng isa na namang grupo noong January 27, 2021 na na-assign naman sa San Andres, Catanduanes upang makatulong na mas mapabilis ang pagpapanumbalik ng serbisyo ng kuryente sa nasabing lalawigan/isla na lubhang sinalanta ng mga bagyo noong November 2020.
Matatandaang nagpadala na dati ng Task Force ang kooperatiba noong December 1 hanggang December 18, 2020 na na-assign sa Virac, Catanduanes upang tumulong sa pagsasaayos ng mga nasirang linya ng kuryente.
Ito ay bilang bahagi ng Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force Kapatid (TFK) ng National Electrification Administration (NEA), Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA), at ng One EC Network Foundation ng One EC MCO Movement na binubuo ng PHILRECA Partylist, Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) Partylist, Ako Padayon Pilipino Partylist at Rural Electric Consumers & Beneficiaries of Development & Advancement (RECOBODA) Partylist.
Ang ganitong tradisyon ay isinasagawa ng mga Electric Cooperative (EC) sa buong bansa tuwing panahon ng kalamidad upang matulungan ang mga kapwa EC nito.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa cellphone nos. 09081865100, 09190952707 at landline no. 054-5713796.








