Nagsagawa ang CANORECO Occupational Safety and Health Committee (OSHC) ng Outreach Program para sa Manibe Tribe ng Sitio Kalibigaho, Brgy. Osmeña, Jose Panganiban noong March 5, 2021.
Nasa 53 household ng nasabing tribo ang nabiyayaan ng bigas, canned goods, instant noodles at kape, gayundin ng pa-meryenda na spaghetti at sandwich.
Sa pamumuno ni General Manager Zandro Gestiada, inihatid ang mga naturang donasyon nila Institutional Manager Mary Ann Moreno, Finance Manager Sarah Jane Baldorado, at ng mga opisyal at miyembro ng OSHC ng kooperatiba.
Pinaniniwalaang ang Manibe Tribe o mas kilala bilang “Kabihug” ang pinakamatandang grupo ng mga katutubo sa Bicol Region na naninirahan sa mga kabundukan ng lalawigan ng Camarines Norte.
Inaasahang may mga kasunod pang ganitong aktibidad ang OSHC lalo na’t simula nang mag-lockdown ang Luzon noong March 17, 2020 ay hindi na nagagawa ng komite ang “CLINICANORECO” tuwing Town Fiesta at Holy Week.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone nos. 09081865100, 09190952707 at landline no. 054-5713796.

