CANORECO Balita

CANORECO, Nakibahagi sa Task Force ALECO

Noong ika-18 ng Marso 2025 (Martes), ipinadala ng Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) ang ilang piling personnel patungong Albay Electric Cooperative, Inc. (ALECO) bilang bahagi ng Task Force ALECO. Layunin ng kanilang pagpunta ang tumulong sa pagkakabit ng mga bagong power service sa mga bahay na sakop ng nasabing kooperatiba.

Inaasahan sanang magtatagal lamang sila hanggang ika-28 ng Marso, subalit upang mas makatulong pa sa ALECO, pinalawig ang kanilang pananatili hanggang ika-5 ng Abril 2025. Sila ang natirang personnel mula sa mga electric cooperative na tumulong na mapabilis ang pagbibigay-serbisyo sa mga aplikante para koneksyon sa kuryente.

Ang dedikasyon at sakripisyo ng mga kinatawan mula sa CANORECO ay nagpapakita ng tunay na diwa ng pagkakaisa sa hanay ng mga Electric Cooperative sa buong bansa. Sa kabila ng distansya at tagal ng kanilang pananatili, buong puso nilang ginampanan ang tungkulin upang makatulong sa ALECO at sa mga mamamayan ng Albay.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na CANORECO at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph