CANORECO Balita

๐‚๐€๐๐Ž๐‘๐„๐‚๐Ž, ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ข๐ฉ๐š๐ฌ๐š ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐’๐ฎ๐ซ๐ฏ๐ž๐ข๐ฅ๐ฅ๐š๐ง๐œ๐ž ๐€๐ฎ๐๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ˆ๐’๐Ž ๐Ÿ—๐ŸŽ๐ŸŽ๐Ÿ:๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐‚๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐Ÿ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ข๐ญ๐จ

Matagumpay na magpapatuloy ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) sa pagiging sertipikado nito sa ISO 9001:2015 matapos ang 1st Surveillance Audit ng TรœV Nord Philippines, Inc. (TรœV Nord) sa tulong ng Synergized Macro Solutions, Inc. (SMS) noong ika-11 hanggang ika-12 ng Abril 2024 โ€“ isang taon matapos itong maging ISO-Certified noong Marso 2023. Ang pananatili ng prestihiyosong sertipikasyon na ito ay nagpapamalas ng dedikasyon ng CANORECO na maipagpatuloy ang pagbibigay-kalidad sa lahat ng aspeto ng operasyon nito.
Ang pagsusuri, na isinagawa sa ibaโ€™t ibang tanggapan ng CANORECO, ay naglalayong tingnan muli ang kalidad ng mga proseso nito at kung nasusunod ang mahigpit na pamantayan ng ISO 9001:2015. Kabilang sa mga sinuri ang Office of the General Manager (OGM), Finance Services Department (FSD), Institutional Services Department (ISD), Technical Services Department (TSD), Corporate Services Department (CSD), at Area 1 (A1O) at Area 2 (A2O) Offices.
Sinuri ng mga auditors ng TรœV Nord ang mga proseso ng kada tanggapan at naghanap ng mga pisikal na ebidensiya na magpapatunay na tumatalima ang mga kawani sa mga proseso ng kooperatiba, at kung naaayon pa rin ito sa pandaigdigang pamantayan sa pamamahala. Naibigay at naipakita ng mga tanggapang sinuri ang mga patunay ng pagsunod nito sa tamang pamamaraan at maayos na pagdodokumento.
Sa pagtatapos ng pagsusuri noong ika-12 ng Abril, pinuri ng auditor ng TรœV Nord ang mga parangal na natanggap ng CANORECO mula sa National Electrification Administration (N.E.A.) at Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA) na isang patunay sa dedikasyon ng kooperatiba na makapagbigay ng maayos na serbisyo. Gayundin, nagbigay rin sila ng mga suhestyon na maaaring mas magpaganda sa mga proseso na sinusunod ng kooperatiba.
Sa kabuuan, ang tagumpay ng CANORECO na mapanatili ang sertipikasyon sa ISO 9001:2015 ay patunay sa dedikasyon ng kooperatiba na patuloy na pagbutihin at pagandahin ang mga serbisyo na inihahatid nito para sa mga Member-Consumer-Owners.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph