CANORECO Balita

๐‚๐€๐๐Ž๐‘๐„๐‚๐Ž, ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ญ๐š๐ฒ๐จ๐  ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐’๐จ๐œ๐ข๐จ-๐‚๐ข๐ฏ๐ข๐œ ๐Œ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐…๐ž๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐š๐ซ๐š๐๐ž

Noong ika-15 ng Abril, napuno ng sigla at kulay ang ilang mga kalsada ng Daet, Camarines Norte dahil sa Socio-Civic Military Fellowship Parade ng Bantayog Festival 2024. Kasama sa mga naging kalahok sa aktibidad na ito ang ilang mga kawani at sasakyan ng Camarines Norte Electric Cooperative, Inc.
Nasa dalawampuโ€™t dalawang (22) kawani mula sa kooperatiba ang lumahok na may suot na kulay asul na long sleeves at puting hardhat bilang simbolo ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng CANORECO habang naglalakad sa mga kalsadang dinaanan ng nasabing parada.
Tatlong (3) sasakyan din ng kooperatiba ang lumahok sa parade kung saan ang isa ay emergency vehicle at ang dalawa naman ay utility vehicle. Ang pagsama ng mga sasakyang ito ay pagpapakita sa komunidad ng lumalawak na kakayahan ng kooperatiba na makapagbigay-serbisyo sa bawat bahagi ng lalawigan.
Ang Bantayog Festival ay ginaganap tuwing Abril kada taon bilang pagkilala sa mga nagawa ni Gat Jose P. Rizal na ang kauna-unahang monumento ay matatagpuan sa J. Lukban St. corner J.P. Rizal St, Daet, Camarines Norte. Ang nasabing monumento ay ipinatayo noong ika-30 ng Disyembre taong 1898 bilang parangal kay Rizal โ€“ ang pinakadakilang bayaning Pilipino.
Ang Socio-Civic Military Fellowship Parade ay nilalahukan ng ibaโ€™t ibang sangay ng gobyerno, mga institusyon, mga paaralan at mga organisasyon mula sa Camarines Norte. Pinangunahan ang aktibidad na ito nina Governor Ricarte R. Padilla at Vice Governor Joseph V. Ascutia at sinimulan ang parada sa pamamagitan ng isang Ceremonial Salvo.
Isang mahalagang okasyon para sa mga kawani ng Kooperatiba ang lumahok sa aktibidad na ito dahil sa pagkakataong makasalamuha ang komunidad at makapagbigay-halaga sa okasyon. Nagpakita ng sigla at kasiyahan habang naglalakad sa mga kalsada, kaisa ang mga nag-abang at nanood ng parade. Mabuhay ang Bantayog Festival! Mabuhay ang Camarines Norte!
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph