CANORECO Balita

CANORECO TALISAY MAIN OFFICE @ YOUR SERVICE!

Lumipat na sa gusali ng Hotel Mega Star sa Brgy. Itomang, Talisay ang CANORECO Main Office noong June 7, 2021 matapos ang halos dalawampu’t walong taong (28) pananahanan sa dati nitong opisina sa Brgy. 1, Daet na tinaguriang “Landmark of Cooperation” mula noong September 20, 1993.

Ang paglipat na ito ay dahil sa peligrong maaaring dala ng pagkasira ng “riprap” at ng pagguho ng lupa sa likod ng dating opisina. At dahil luma na rin ang nasabing gusali, kinailangan na ring bawasan ang “load” nito sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga opisina sa loob nito.

Ang mga lumipat na departamento ng kooperatiba ay ang Institutional Services Department (ISD), Finance Services Department (FSD), Internal Audit Department (IAD), Technical Services Department (TSD), Corporate Services Department (CSD), at Office of the General Manager (OGM).

Mananatili naman sa dating opisina sa Daet ang Area 1 Office na may hawak sa Bicol Speaking Towns upang mag-asikaso sa mga Member Consumer Owner (MCO) na magbabayad ng mga bayarin sa kuryente, magpapakabit ng kuntador at mga gawaing may kinalaman sa linya ng kuryente.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09190952707.