Ang naranasang Emergency Power Service Interruption sa mga bayan ng MERCEDES; BASUD; SAN LORENZO RUIZ; DAET; SAN VICENTE; TALISAY; VINZONS; LABO; STA. ELENA; CAPALONGA; PARACALE maliban sa Brgys. Bagumbayan, Casalugan, Labnig, Malaguit, Palanas, Poblacion Norte, Poblacion Sur, Tugos at bahagi ng Tawig; at Brgys. San Martin, Tamisan, bahagi ng Luklukan Sur at bahagi ng Sta. Rosa Sur sa JOSE PANGANIBAN ngayong August 13, 2021 (Biyernes) mula 8:30 ng umaga hanggang 9:03 ng umaga (33 minuto) ay dahil sa isinagawang paglilipat ng load ng 50MVA Power Transformer papuntang 100MVA Power Transformer bunga ng nangyaring power outage sa 50MVA Power Transformer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ang Transformer 2 (50MVA Power Transformer) o Labo-Talisay Line ng NGCP ang nagta-transmit ng suplay ng kuryente papunta sa Malatap Substation, Talobatib Substation, Calintaan Substation at Lag-on Substation ng CANORECO. Ang mga lugar na nasasakop nito ay ang mga bayan ng Mercedes, Basud, San Lorenzo Ruiz, Daet, San Vicente, Talisay, Vinzons, Labo, Sta. Elena, Capalonga, at ilang mga barangay ng Paracale at Jose Panganiban.
Ang Transformer 1 (100MVA Power Transformer) o Labo-Paracale Line ng NGCP naman ang nagta-transmit ng suplay ng kuryente papunta sa Tawig Substation at Sta. Rosa Substation ng CANORECO. Ang mga lugar naman na nasasakop nito ay ilang mga barangay ng mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban.
Dahil sa ginawang paglilipat ng NGCP ng load ng kanilang 50MVA Power Transformer papuntang 100MVA Power Transformer, ang nagta-transmit ngayon ng suplay ng kuryente para sa buong lalawigan ng Camarines Norte ay ang 100MVA Power Transformer ng NGCP.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa rin ng pamunuan ng NGCP ang naging sanhi ng power outage sa kanilang 50MVA Power Transformer.

