CANORECO Balita

CANORECO NAGPAABOT NG TULONG SA CAGELCO II AT CASURECO III

Noong Setyembre 22, 2018, nagtungo sa Cagayan II Electric Cooperative o CAGELCO II, Tuguegarao City, Cagayan Valley ang ilang technical personnel ng CANORECO na sina Jerry Moya, Noli Dasco, Ruben Garcia Jr., Rhoderick Rada at Felipe Samala sa pamumuno ng kanilang team leader na si Engr. Kevin Rafer upang tumulong sa pagpapanumbalik at rehabilitasyon ng mga linya ng kuryente sa Cagayan.

Noong nakaraang buwan ay nasalanta ng Bayong Ompong ang nasabing lalawigan na naging dahilan ng malawakang pinsala sa linya ng kuryente. Humingi ng tulong ang National Electrification Administration o NEA sa mga Electric Cooperatives o EC sa pamamagitan naman ng Bicol Electric Cooperatives Association Inc. o BECA sa pamumuno ni GM Ana Sylvia M. Asisto. Dahil dito nagpadala ng  BECA Task Force Kapatid ang iba’t ibang EC ng Bicol sa lalawigan ng Cagayan.

Ang Task Force Kapatid ay isang BAYANIHAN program ng NEA na naglalayong makatulong sa rehabilitasyon ng mga distribution lines ng mga electric cooperatives na nasalanta ng kalamidad.

Samantala, tumulong din ang ilang electric cooperatives sa Bicol sa Camarines Sur III Electric Cooperative o CASURECO III sa kanilang massive pole metering at massive pole meter replacement at ipinadala ng CANORECO sina Noel Norte, Jerry Osea at Felipe Rosalinas noong Oktubre 8, 2018 hanggang Oktubre 21, 2018.                     

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.