Ang nagngyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Oktubre 19, 2018 (Biyernes) simulang alas 7:03 ng gabi hanggang 7:42 ng gabi na naranasanng buong bayan ng Talisay at Vinzons ay dahil sa paglipat ng load mula sa 5 MVA Calintaan Substation patungo sa 10 MVA Calintaan Substation. Napilitan ang CANORECO na gawin ang nasabing paglilipat ng load dahil sa naantalang pagsasaayos (testing) sa nasabing 5 MVA Substation na pag mamay-ari ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP. Hinihintay parin ng CANORECO ang opisyal na pahayag na ipalalabas ng NGCP kaugnay sa resulta ng testing activity sa nabangit na substation.
Ang dahilan ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Oktubre 20, 2018 (Sabado) simulang alas 12:02 ng tanghali hanggang alas 3:22 ng hapon na naranasan sa Buong bayan ng Talisay, Vinzons, Poblacion sa bayan ng Mercedes at Daet North ay dahil sa pagkaputol ng jumper ng disconnect switch sanhi ng pagbagsak ng bakal sa may ginagawang gusali sa may Mercedes Road.
Samantala, ang dahilan naman ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Oktubre 21, 2018 (Linggo) simulang alas 9:00 hanggang 10:30 ng umaga na naranasan ng mga taga coastal areas ng Mercedes; Brgy. San Ramon, Manlimonsito at Salvacion sa bayan ng San Lorenzo Ruiz; at buong bayan ng Basud ay sanhi ng bumagsak na sanga ng punong kahoy sa linya ng CANORECO sa may Mangcamagong Road.
Agad namang tinugunan ng technical team ng CANORECO ang mga nasabing problema.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 1 Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.

