Ang nangngyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Oktubre 29, 2018 (Lunes) simulang alas 9:55 ng gabi hanggang 10:27 ng gabi na naranasan ng buong bayan ng Talisay at Vinzons; Poblacion sa bayan ng Mercedes; at Brgy. 5,6,7,8, Gahonon, Bagasbas, Borabod, Awitan at Gubat sa bayan ng Daet ay dahil sa naputol na lineside ng cut-out ng tapping papuntang P-3, Brgy 1, sa bayan ng Mercedes.
Ang dahilan naman ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa parehong araw simulang 10:30 ng gabi hanggang 11:00 ng gabi na naranasan ng mga taga Brgy. 1,2,3, Cobangbang, San Isidro, Mambalite, at ilang bahagi ng Pamorangon at Magang sa bayan ng Daet ay sanhi ng pag-off ng disconnect switch na tinamaan ng gumagawa ng Fiber Net sa may St. John the Baptist sa bayan ng Daet.
Samantala, ang sanhi ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente ngayong Oktubre 30, 2018 (Martes) simulang alas 8:29 hanggang 8:47 ng umaga na naranasan sa buong bayan ng Basud at San Lorenzo Ruiz; coastal barangay sa bayan ng Mercedes; Brgy. Magang, Pamorangon at ilang bahagi ng Brgy. Camambugan sa bayan ng Daet ay dahil sa sanga ng Mahogany na bumagsak sa linya ng CANORECO sa may Taisan, bayan ng Basud.
Agad namang tinugunan ng technical team ng CANORECO ang mga nasabing problema.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 1 Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.

