Tumaas ang singil sa kuryente ngayong Oktubre 2018 billing na babayaran sa Nobyembre 2018. Ang sanhi ng pagtaas ay dahilan sa mataas na Generation Charge at Transmission Charge. Naging sanhi ng pagtaas sa Generation Charge ang mataas na presyo ng kuryenteng binili sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM dahil sa pagkakaroon ng maintenance at forced outages ng mga planta ng Sual, Malaya, South Luzon Tower Generation Corporation, Sta. Rita, Bauang, Avion, Pagbilao, Dingle at Concepcion.
Ang rate sa residential para sa buwan ng Oktubre ay umabot ng P 9.1957 per kwhΒ kumpara noong nakaraang buwan ng SetyembreHunyo na umabot ng P 9.0055 per kwh kung kaya sa kabuuan ay tumaas ang rate ng 19 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.2421 per kwh para sa buwan ng Oktubre kumpara sa P 8.0519 per kwh noong buwan ng Setyembre o tumaas ng 19 centavos per kwh din.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.

