CANORECO Balita

43rd FOUNDATION ANNIVERSARY NG CANORECO IPINAGDIRIWANG NGAYONG BUWAN NG OKTUBRE

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Oktubre ang ika apatnaput-tatlong (43rd) taong anibersaryo ng pagkakatatag o Foundation Anniversary ng CANORECO. Oktubre 23, 1975 nang irehistro sa National Electrification Administration o NEA ang CANORECO.

Kaugnay nito, nagkaroon muli ng mga aktibidades ang CANORECO na taunang ginagawa upang maipagdiwang ang anibersaryo nito. Nagsimula noong Oktubre 1, 2018 ang INTER-COLOR Sportsfest ng mga empleyado para lalong maging matatag ang samahan at pagkakakilanlan ng bawat isa na magtatapos sa Oktubre 31, 2018.

Bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility ng CANORECO isinagawa ang GIVE BACK Activity noong Oktubre 20, 2018 na nakapagbigay saya at nakatulong sa mga bata sa Our Lady of Guadalupe Orphanage Foundation sa Mabilo 1, Labo. Nakatuwang dito ng CANORECO ang samahan ng mga manggagawa (Labor Unions at CWMPC).

Sa mismong araw naman ng anibersaryo, Oktubre 23, 2018, ginanap ang banal na misa sa Daet Main Office at sa ibat ibang bayan at nagkaroon din ng simpleng selebrasyon bilang pasasalamat sa mga miyembro konsumidores sa bawat area offices.

Magkakaroon naman ng Tree Planting Activity sa  Oktubre 26, 2018 na gaganapin sa Mananap, San Vicente na dadaluhan ng mga opisyales at empleyado ng CANORECO  at representative ng Multi Sectoral Electrification Advisory Council o MSEAC bilang parte ng Corporate Social Responsibility ng CANORECO.

At sa Oktubre 29, 2018, magkakaroon naman ng Blood Letting Activity sa CANORECO Main Office simulang alas 8:00 ng umaga na may temang “ Give Love by sharing your blood”. Ito ay pamumunuan ng mga kawani ng blood bank ng Camarines Norte Provincial Hospital o CNPH.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.